AGAHNILAT.
isang talinhaga sa pusod ng kadiliman
pinilit intindihin ngunit hindi maunawaan
tila lumalangoy sa dagat ng kalawakan
hindi maarok ng aking kaisipan.
talinhaga,y sinubok ihimig
sa huni ng sanlibong kuliglig,
sagitna ng bituin sa gabing malamig
upang makadama ng sandaling ligalig.
sinubok ko na sipatin ang di masilayan
ngunit ang aking ulirat ay nnilamon ng karimlan.
talinhagay biglang kinasawaan
nawala sa alimpuyo ng kinabukasan.
talinhaga......
-- mula sa"Mga tulang congo" ni
Raymond Joseph Amurao
Gian Arnold Florentino
Abraham Finney Santos
Friday, November 18, 2005
3:50 AMminsan may isang finney -
© asleepinchalkoutlines 2005 - Powered by Blogger and Blogger Templates