<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d15157538\x26blogName\x3dMinsan+may+Isang+Finney\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://sinobaitosinobaako.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://sinobaitosinobaako.blogspot.com/\x26vt\x3d8194876189509497766', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Minsan may Isang Finney

(1989-2005) Ang blog na ito ay tungkol as buhay ng isang batang nagngangalang Abraham Finney I. Santos. Isang nagkukunwaring tahimik na bata. Maraming mga walang kakwenta-kwentang bagay ang nangyayari sa kanyang buhay. katulad ng mga matutunghayan ninyo sa blog na ito. Ang kadalasang tema ng mga post sa blog na ito ay mga patama, patama sa mga gusto niyang patamaan. tamad ang may ari nitong blog na ito kaya wala kayong makikitang masyadong update dito. 

Friday, December 02, 2005

12:21 AMminsan may isang finney -

cuento de mi corazón (part 1 of 4)

minsan may isang ubod ng husay na pintor, napakarami niyang nagawang mga obra dahil nga magaling siya. Ang mga papuri sa kanya ay hindi niya masyadong pinapansin dahil sa tingin niya ay hindi siya mahusay na pintor. Ang mga Kutya naman sa kanya ang kanyang nabibigyan ng lubos na pansin. tuwing gabi ay hindi siya makatulog pag sinasabihan siya ng mga masasakit na mga remarks. parang isang malaking kutsilyo ito na tumutuhog sa kaniyang puso. ano kaya ang kanyang problema at masyado niyang dinidibdib ang mga nakaluulungkot na mga bagay at binabaliwala ang mga bagay na nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan.

isang araw nakatangap siya ng isang telegrama mula sa isang opisina ng isang prestihiyosong paligsahan sa pagandahan ng painting. isa itong exlusibong paligsahan at ang mga nakasasali lamang rito ay yaong mga taong may taglay na husay sa pag pinta. isinasaad sa sulat na kailangan niyang Pumili ng isang painting na isasali. at kailangan ay yoong sa tingin ng pintor ay yoong may kumpletong sangkap ng sining ang ipadadala niya dito.

Mula sa kaniyang bodega ay nilabas niya lahat ng kaniyang magagandang mga orba. Naguluhan siya sa pagpili. hindi niya malaman ang gagawin. hindi niya alam kung ano ang pipiliin. kaya ginawa niya pumili siya ng pumili ng pumili ng pumili. natagpuan niya ang kaniyang paboritong pinta ngunit may problema. nasira ito marahil narin sa tagal ng panahon.

lumipas ang mga araw at hindi parin siya makapamili. gulong gulo ang utak. kaya ginawa niya ay pumili parin siya ng pumili ng pumili ng pummili ng pumili hangang yoon dumating nalang siya sa tatlo...tapos hangang naging dalawa nalang.

may malaking problema dito sa dalawang ito.

ung isang painting ay maganda sa paningin niya at maganda rin sa mata ng ibang tao. hula nga ng mga tao ito ang isasali niya sa paligsahan. at yoong isa naman ay maganda sa mata ng pintor ngunit hindi masyadong kaayaaya sa mga tao.

kung ikaw ano ang pipiliin mo dito sa dalawa?

Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagiisip ay pumili narin ang pintor ng kanyang isasali sa contest.... at ang pinili niya ay yoong ikalawang PAINTING!

hahahahaha ano kaya ang mayroon dun sa painting naiyon?

Ito ang sinabi ng pintor:
"kung inyo lamang makikita kung ano ang nakikita ko sa kaniya ay mamahalin ninyo rin siya kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya"


-Abraham Finney I. Santos



Post a Comment

© asleepinchalkoutlines 2005 - Powered by Blogger and Blogger Templates